Mag-sign In

Greatest Events of WWII in Colour

Greatest Events of WWII in Colour

Greatest Events of WWII in Colour

  • 2019
  • 10 Episodes
  • ⁨13+⁩
  • Documentary
Mula sa pag-atake sa Pearl Harbor hanggang sa D-Day, nabigyang-buhay ang pinakamahahalagang kaganapan noong World War II sa documentary series na may colorized footage.

Mga Trailer

Mga Episode

  • 50m

    1. Blitzkrieg

    Habang nangunguna sa giyera gamit ang radio technology, mabilis na panzer divisions, at aerial bombardment, itinulak ng Germany ang Allied forces sa karagatan sa Dunkirk.

  • 50m

    2. Labanan sa Britain

    Pinaulanan ng bomba ang Britain pero hindi nasakop dahil sa mga sopistikadong defense system na nakatulong sa RAF na talunin ang dating napakalakas na Luftwaffe.

  • 50m

    3. Pearl Harbor

    Isa sa pinakamalaking sugal sa kasaysayan ng militar ang pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor na pumaralisa sa hukbong dagat sa Pacific at humatak sa U.S. sa digmaan.

  • 50m

    4. Labanan sa Midway

    Sa labanan sa karagatan na nagtakda sa daloy ng digmaan, natalo ng US ang hukbong pandagat ng Japan sa Midway dahil sa kutob ng isang codebreaker at suwerte.

  • 50m

    5. Siege sa Stalingrad

    Nahinto sa Stalingrad ang biglaang pananalakay ni Hitler sa Soviet Union. Sa isa sa pinakamadudugong labanan sa digmaan, nagsimula ang pagbagsak ng mga Nazi.

  • 50m

    6. D-Day

    Sa tulong ng mabusising panlilinlang, nakatawid sa English Channel ang pinakamalaki sa kasaysayan na puwersang panlusob na dumaan sa karagatan para makapasok sa Normandy.

  • 50m

    7. Battle of the Bulge

    Dahil sa sawimpalad na opensiba ni Hitler sa Ardennes sa pagsubok na baguhin ang takbo ng digmaan, maraming nasawi sa magkabilang panig at nasaid ang puwersa ng Germany.

  • 50m

    8. Dresden Firestorm

    Para mapasuko ang Germany, binomba ng Allied forces ang lungsod ng Dresden para masunog ito. Libo-libong sibilyan ang namatay at nagdulot ito ng malaking kontrobersya.

  • 50m

    9. Kalayaan ng Buchenwald

    Natuklasan ng mga sundalo ng US sa Germany ang Buchenwald concentration camp at nagsimulang makipagtuos ang Allies sa nakakapanghilakbot na realidad ng Holocaust.

  • 50m

    10. Hiroshima

    Para maiwasan ang matagal na digmaan sa lupa, ginamitan ng US ng mga atomic bomb ang Japan na nagdulot ng walang katulad na pagkawasak at bumago sa takbo ng kasaysayan.

Iba Pang Detalye

Panoorin offline

Puwedeng i-download

Mga Genre

Mga Pulitikal na TV Show, Mula sa Britain, Mga Makasaysayang Documentary, Mga Pulitikal na Documentary, Mga Militar na Documentary, Documentary Series

Ang show na ito ay ...

Nakakapangilabot, Documentary Series, Halls of Power, World War II, Mula sa Britain, Makasaysayan, Combat, TV

Audio

English - Audio Description, English [Original], Spanish (Latin America)

Mga Subtitle

English, Spanish (Latin America), Filipino, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional)

Baka Magustuhan Mo Rin

Isang Plan na Angkop sa mga Pangangailangan Mo

Tuklasin ang mga susunod mong paborito, at mga bagong release kada linggo

Iba Pa Tungkol sa Netflix